Panatang makabayan...Iniibig ko ang Pilipinas...Ito ang aking lupang sinilangan...Ito ang tahanan ng aking lahi...
Sa panahon ngayon, kilala pa nga ba natin ang mga propagandista noon?
Marahil ay hindi na. Sinu-sino nga ba ang mga ito? Ano nga ba ang pinaglalaban ng mga propagandistang ito? Bakit nga ba sila naging sikat at bakit hanngang ngayon ay pilit pa rin nating inaalala ang kanilang mga naging kontribusyon sa ating bansa?
Ang tanong, meron nga ba? Kung oo, anu ano naman ang mga ito?
Unahin na lamang natin itong ating Pambansang bayaning si Jose Rizal. Nakilala sa bansag na Laong lann, siya na marahil ang pinkasikat na pilipino kasunod ni Pacquiao, ni Darna, ni Marina, ni Dyesebel, ni Captain Barbel, ni Sharon Cuneta, nina Juday at Piolo, nina John Lloyd at Bea, nina Panday at Eden, ng Cueshe, ng Hale, nina Nyoy at Nina, ng MYMP, ni Charo Santos at Wowo-Willie, ng mga Eat Bulaga Hosts, nina Kris at James Yap, nina Claudine at Raymart, nina Mahal, Mura at Jimboy, ng mga PBB Housemates...
Sikat pa nga ba siya?
Mabalik tayo kay Rizal. Noong kapanahunan ni Rizal, maaaring sabihin nating dakila ang kaniyang mga nagawa, ngunit kung ngayon nabuhay si Rizal, marahil hindi lang siya ipapadala sa Dapitan. Kung si Erap nasa Tanay, saan naman kaya ipapadala nf rihemeng Arroyo ang katulad ni Rizal na walang ibang ninais kundi ang palayin ang bansa laban sa mga tiwali at mapagsamantala.
Kung nabubuhay lamang si Rizal, malamang hindi lamang ang Daily Tribune ang pinagiinitan ng pamahalaang Arroyo, kundi maging ang komapanyang pinapasukan niya. O baka naman kasama na siya ni Jose Ma. Sison at namumuhay na ngayon sa The Netherlands.
Ngunit gustuhin naman kaya ni Rizal na doon manirahan ng permanente, o gayahin nito si Ninoy na matapos ang matagal tagal ding pananahimik ay bumalik sa bansa, nabaril sa airport, at namatay. Nabalo tuloy si Cory at naging presidente at sumikat naman si Kris na ngayo'y malapit na ding ikasal.
Kung nagakagayo'y matatawag pa bang bayani si Rizal, gayong maraming babae ang maglalabasan at sasabihing may relasyon sila nito. Hindi kaya sa halip na kilalanin si Rizal ay puro pangaalipusta ang matanggap nito sa Gabriela at ipakulong pa ni Atty. Katrina Legarda?
Ano naman kaya ang masasabi ni Sec Gonzales sa mga tulad ni Rizal?
Malipat naman tayo kay Marcelo H. del Pilar o Plaridel. Isa sa mga naging punong patnugot ng La Solidaridad. Isa sa mga propagandistang nakilala dahil sa pagsusulat niya sa sariling wika. Hindi na siya gumamit ng ibang wika gaya ng karamihan sa ibang mga propagandista na sa wikang Kastila nagsusulat.
Ang tanong, san kaya siya nagsusulat ngayon kung nabubuhay pa siya? Malamang dahil tagalog ang gamit niya ay sa tabloid siya nagsusulat.
Ano kaya ang masasabi niya kapag ang kaniyang mga isinusulat ay may katabing hubad na larawan ni Maui Taylor, o kaya'y ni Joyce Jimenez? Paano kung si Keanne Reeves ang naroon? Matuwa kaya si del Pilar kapag nagkagayon?
Malamang mawalan ng interes ang mga mambabasa kay del Pilar. Bagkus ay maraming magagalit sa kanya kabilang na ang Gabriela at ang mga ayaw sa pornograpiya kuno. Kabilang na sina Manoling Morata. Patay kang del Pilar ka.
Ang susunod ay ang unang editor ng La Solidaridad na si Graciano Lopez Jaena. Sino nga ba siya?
Tubong jaro, Iloilo, tumira siya sa Madrid ng halos 15 taon. Ganon?
Malamang sa hindi, paguwi niya dito'y sisikat talaga siya ng husto. Malamang na kahilera niya sa kasikatan sina Thalia, Joyce Jimenez, Troy Montero, Sandara Park, at Sam Milby. Ang tanong nga lang, hanggang kailan naman?
Alam naman natin na tayong mga Pinoy, kay daling magsawa. Dapat magaling ka. Kung wala ka talagang talento sa larangan pinasok mo, isang araw pagkagising mo, wala ng papansin sayo.
Baka nga mas sikat pa sayo ang mga bida sa Goin Bulilit eh. Tingnan mo nga't naka-isang taon na sila. Malamang sa hindi mas marami pang nanood sa pambatang programang ito kaysa ang makinig o magbasa sa mga gawa nitong si Lopez-Jaena.
O marahil ay nasa bakuran na ito ng Dos at kasama nina Karen Davila, Ted Failon at Julius Babao sa TV Patrol World. O baka naman nasa ANC ito, o para sa mga kapuso natin ay nasa Pinoy TV naman ito. Ang tanong, may nakakapanood nga ba ng Pinoy TV? Nagtatanong lang po.
Siyempre pa, naririyan din naman si Antonio Luna, kapatid ng pintor na si Juan, at nakilala sa taguring Taga-ilog.
Si Luna ay isang magaling na propagandista. Nagtapos din siya ng parmasiya at naging heneral sa pamamagitan ni Aguinaldo.
Kung buhay pa si Aguinaldo ngayon, ano kaya ang masasabi nito sa kontobersiya ngayon sa Philippine Marines? Kilala niya kaya si Ping Lacson? Eh si Gringo Honasan?
Kasama kaya siya sa Oakwood Mutiny? Eh ano naman ang masasabi niya sa EDSA 1? Eh sa EDSA 2? EDSA 3? EDSA 4? EDSA 5? EDSA 6? EDSA 7... EDSA 998?EDSA 999? Mendiola 1? Mendiola 2? Mendiola 3? Ayala 1? Ayala 2? Ayala 3? Ayala 4? Ayala 5? Ayala 6? Welcome Rotonda 1? Welcome Rotonda 2? Whew! Tama na!
Eh sa EO 1017? Ano naman kaya ang say ng ating magiting na bayaning heneral?
Sino pa ba? Ah, si Mariano Ponce na nakilala din sa mga tawag na Naning, Kalipulo at Tigabalang. Hmmm...
Ano kaya ang masasabi ng senado dito kay Ponce? Hindi kaya nila ito paimbestigahan tulad ni Jose Velarde? Sa dami ng kanyang katauhan, hindi kaya siya mahirap sa pagfigile ng ITR niya? Baka naman habulin ito ng BIR tulad ng ginawa kay Juday, Regine at Goma?
At hindi kaya ito mahirapan sa mga papeles niya, lalo na sa passport na gagamitin niya? Baka sapitin din niya angsinapit nina April Boy, Anjeanette Agbayari, mag-aswang Daboy at Ness sa mga paliparan sa ibang bansa?
Huwag naman sana, dahil baka may mga isyung tutkan ng baril at kung anu-ano pang pambababoy kuno ang maglabasan.
Ang kagandahan nga lang dito kay ay sanggang-dikit ito kay Dr. Sun Yat Sen, pinuno ng Kuomintang at ang kauna-unahang pangulo ng Republika ng Tsina. Hmmm... Kung nabubuhay ngayon ang dalawa'y marahil, hindi lamang sa Tsina pinagbawal ang Memoirs of a Geisha. Hehe...
At ang huli sa aking listahan ay si Jose Ma. Panganiban o kilala sa tawag na JoMaPa.
Kung buhay ngayon si JoMaPa, malamang hindi ito kilala ngayon. Bakit?
Uso pa ba ang mga kanyon ngayon? Malamang sa pagsusulat na lamang natuon ang atensiyon nito, hanggang sa nagutom at namatay ng dilat ang mga mata.
Ngunit sa dami ng koneksiyon nito, tiyak may magandang kinabukasang naghihintay dito. Tiyak iyon!
-*-c",)
We are persuaded that no sacrifices are too little to win the rights and the liberty of a nation that is oppressed by slavery.